SINCE 2011

Monday, 25 April 2011

A Nothing-To-Do Day

Magandang araw! :)

Ngayon araw (Abril 26, 2011) ay nagising ako ng mga bandang alas-nwebe ng umaga. Ginising ako ng tita ko dahil aalis siya at ako ang maiiwang mag-isa dito sa Condo ng BUOOOOOOOONG araw. Oo, bored ako dito. Pero nag-eenjoy ako mag-isa. Nakakapagmuni-muni ako. Natuto ako maging responsable sa sarili ko. Naisip ko lang, di ko kaya magluto ng pagkain ko. Kaya iniiwanan na lang ako ng pera ng tita ko para kumain sa labas.

Kagabi lang ay ang una nating pag-uusap. Maikli lang pala ang pag-uusap natin kagabi. Di ko akalain, pero may isang nagcomment sa blog na iyon. Haha. Natawa ako sa comment niya. Kaibigan ko yung taong yon. Oo, kaibigan nga, sa Facebook. At sympre sa personal. Haha. Change topic, o libreng plugging 'yun kay Sushmita Myka Go. Haha.

10:39 am. Habang ginagawa ko itong blog na ito. Gutom na gutom ako. Gutom na gutom dumaldal. Di pa ko nag-aalmusal dahil wala pa ko sa mood. Pero hindi yan ang pag-uusapan natin. Pag-uusapan muna natin ang mga bagay na ayaw ko at gusto ko. Unahin muna natin ang mga gusto ko.

Mga gusto kong gawin:
-kumain
-dumaldal
-gumala
-matulog
-at matulog ulit

Hindi pa seryoso yan. Ayaw ko kasi ng seryoso sa araw na to. Masayahin akong bata. Sobra. Kahit may problema, kailangan masaya ka. :)

Mga ayaw ko:
-ayoko yung taong makulit pagsabihan
-ayoko yung madamot
-at marami pa.

Sinyales yan ng taong walang magawa. Naiisipan mong gumawa ng mga listahan ng ayaw at gusto mo, pero di mo naman natatapos. Kalokohan!

10:44 am. Ambilis ng oras. Kanina lang ay 10:39. <*ngiti*>.

Kilala mo ba si Bob Ong? Si Bob Ong ang paborito kong manunulat na Pilipino. Parehas kasi kami ng nasa utak pag binabasa ko ang mga libro niya. Napapatawa rin ako sa mga kwento niya. Kaya kung reregaluhan mo ko ng libro, aba'y libro na lang niya. Kung mga libro naman ng mga dayuhan ang ibibigay mo, masasayang lang itong naka-stock sa cabinet ng mga libro. At baka ibenta ko ito sa Divisoria.

10:47 am. Alam ko nasa utak mo. Walang kwenta ang binabasa mo ngayon. Gusto ko lang kasing makipag-usap sayo kahit ako ang laging nagsasalita.

10:48 am. Nakakarinig ako ng tick-tock ng orasan. At tunog ng hangin mula sa electric fan. Pukpok ng martilyo sa pako sa kabilang building. Lagatak ng mga daliri sa keyboard.
At.... At ang paghinga ko. Rinig na rinig ko. (Paki mo?)

Mahilig ako dumaldal. Sobra. (Halata naman diba?) Kahit di ko kilala ang kaharap ko. Nakakapag-share ako ng mga bagay na naiisip ko. Ultimo pagkain ng sundot-kulangot ay naitatanong ko.

Sabi ng nanay ko, "Masama ang nagsisinungaling". Naniwala naman ako. Pero di ko pa rin mapigilan ang pagsisinungaling na ako ang umubos ng feminine wash niya na inakala kong shampoo.

10:52 am. May natanggap akong text galing sa kaibigan. Isang GM (Group Message). Sabi niya "Hindi kami bagay... Tao kami." Malamang tao ka, nakakapagtext ka nga ho eh.

Maraming tao na sa Pilipinas ang mahilig bumanat. Banat as in banat. Yun bang mapapakilig mo ang isang tao sa mga "hanggang salita" lang na mga yun. Ha-ha!

Ako naman magtatanong sayo. May twitter ka ba? Ako (@chamchamss) follow mo lang. :)

10:54 am. Naisipan kong tapusin na muna natin ang blog na ito. Gutom na kasi ako at wala na akong maisip na idadaldal sayo. Oh pano 10:55 am na. Brunch na ko.

Hanggang sa muli! :* xoxo

No comments:

Post a Comment